Nung una hindi ko alam kung paano ko uumpisahan tong munting sanaysay na ito..Hindi ko rin alam kung paano ko gagawen o paano ko ipagpapatuloy..para bang may tumutulak sa akin na gawen ito..ito na,uumpisahan ko na..para hindi ka na mabitin pa..
Simulat sapul,wala talaga akong pakilaalam sa pagtatapon ng basura kung saan saan,isa lang ako sa mga taong WALANG PAKIALAM kung anu ba ang magiging sanhi o kahihinatnan pag akoy nagtapon ng basura..Maraming basura,napakaraming basura sa paligid,tila ba nagiging palamuti na ito sa bawat pasilyo at mga gilid ng daanan,sa pader at kung anu ano pang establishementong nakikita ko..Mga plastik,bote ng mineral water,mga disposable cup,mga candy wrappers at pati diapers..hay buhay,basura nga nman..tinatapon lang kung saan saan..
Nung una wala talaga ako pakialam,naisip ko,wala rin lang naman akong mapapala kung pulutin ko man yang basurang yan at itapon sa tamang lalagyan..pero napag isip isip ko kung hindi ko pupulutin malamang dadagdag nanaman sa mga nagkalat sa paligid.anu kaya kung simulan kong pulutin at makatulong sa hindi pagdame ng mga ito.kaya hayun,,sinimulan ko ng pulutin ang aking mga tinapong basura at tinapon sa tamang tapunan.hindi konarin pinapalagay sa plastik bag ang aking mga pinapamili.Sa isang maliit na paraan siguradong makakatulong ka sa mundo, sa mundong naghihingalo na sa napakaraming pulosyon at kung anu anu pang ginagawa ng tao.GLOBAL WARMING?..matagal ng problema yan dulot nito ang climate change,na nararnasan nating mga tao.Dahil ang tao nga ay mapagsamantala,,nakalbo na ang mga bundok,malapit naring mawala ang mga isda sa dagat,malapit ng maubos ang mga hayop..napaka dominante talaga nating mga tao...wala tayong habas sumira ng ating kalikasan,ganid sa yaman,ganid sa kapangyarihan..hindi parin natoto sa bagsik ni ondoy,pepeng at cosme.kailan tau magbabago?kelan tayo gagawa ng paraan para maibalik ang dating kislap ng ating mundo.
Pero alam kong may mga tao nang napagtanto at kumikilos na para protektahan ang ating kalikasan..mga taong responsable at MAY PAKIALAM sa nangyari,nangyayari at mangyayari pa kung hindi natin mareresoba ang problemang dulot nating mga tao. Malamang isa ka rin sa tulad kong pwedeng tumulong kahit sa munting magagawa para maibalik ang dating yaman ng mundong ating pinapahirapan.
ano?ENVIRONMENTALIST KA BA?
No comments:
Post a Comment